Posts

Kumbensiyon ng Tejeros

 Noong Marso 22,1897 nagkaroon ng pagpupulong sa bayan ng Tejeros sa San Francisco de Malabon, Cavite. Sila Mariano Alvarez at Baldomero Aguinaldo ang nanguna sa Kumbensiyon ng Tejeros. Magdiwang ang pinamumunuan ni Alvarez at Magdalo naman ang kay Baldemero Aguinaldo.  Ang layunin nila ay bumuo at palakasin ang kanilang depensa sa Cavite. Napagdesisyonan nila na magtatag ng bagong rebulosyonaryong gobyerno kapalit ng katipunan. Tinutulan man ito ni Bonifacio ngunit nanaig ang ating kabitenyong Magdalo. Sino-sino nga ba ang mga nahalal? Presidente- Emilio Aguinaldo Bise-presidente- Mariano Trias Kapitan-Heneral- Artemio Ricate Direktor ng Digma- Emilio Riego De Dios Direktor ng Interyor- Andres Bonifacio Hinadlangan man ito Daniel Tirong , ang pagkahalal ni Bonifacio sapagkat wala raw siyang pinag aralan kaya sinabi ni Bonifacio na walang bisa ang halalan pero dahil buo na anng loob ng kabitenyong Magdalo at itinuloy ang pagpapairal sa halalan sa Tejeros. Sinumpaan naman ni Ag...