Kumbensiyon ng Tejeros
Noong Marso 22,1897 nagkaroon ng pagpupulong sa bayan ng Tejeros sa San Francisco de Malabon, Cavite. Sila Mariano Alvarez at Baldomero Aguinaldo ang nanguna sa Kumbensiyon ng Tejeros.
Magdiwang ang pinamumunuan ni Alvarez at Magdalo naman ang kay Baldemero Aguinaldo.
Ang layunin nila ay bumuo at palakasin ang kanilang depensa sa Cavite. Napagdesisyonan nila na magtatag ng bagong rebulosyonaryong gobyerno kapalit ng katipunan. Tinutulan man ito ni Bonifacio ngunit nanaig ang ating kabitenyong Magdalo. Sino-sino nga ba ang mga nahalal?
Presidente- Emilio Aguinaldo
Bise-presidente- Mariano Trias
Kapitan-Heneral- Artemio Ricate
Direktor ng Digma- Emilio Riego De Dios
Direktor ng Interyor- Andres Bonifacio
Hinadlangan man ito Daniel Tirong , ang pagkahalal ni Bonifacio sapagkat wala raw siyang pinag aralan kaya sinabi ni Bonifacio na walang bisa ang halalan pero dahil buo na anng loob ng kabitenyong Magdalo at itinuloy ang pagpapairal sa halalan sa Tejeros.
Sinumpaan naman ni Aguinaldo bilang ang kanilang pinuno. Si Bonifacio ang tinuring nilang hadlang kaya bago pa man ito nakalabas ng Cavite ay kanilang dinakip, inilitis at hinatulan ng kamatayan.
Comments
Post a Comment